BLOG FLASH:END
• Songs from plenty = too many feels :> •

Konnichiwa!
THIS BLOG IS
OPEN FOR EVERYBODY

Manibela

0



Nung isang araw, Biyernes, gabi.
Pauwi kami ng kaibigan ko galing sa isang Christmas Party.
Ihahatid ko na sana siya sa Sampa.
Kaso, sabi niya ayaw pa niya umuwi.
Ang ginawa namin, umikot-ikot kami sa acad oval.
Ako yung nagmamaneho ng sasakyan.
Mailaw ang paligid, malakas ang tugtog, mahaba ang usapan.
Nakakamiss yung pakiramdam.
Ang sarap kapag alam mong may kaya kang pagsabihan ng mga masasakit na bagay
tungkol sa buhay, tungkol sa pag-ibig.

Sayo

0



Ginawan ko siya ng pelikula.
At hindi ko alam kung tama ba.
Natanong ko sa'king sarili,
Bakit ang tapang ko?
Hinayaan ko lang malaman ng iba...
kung malalaman man nila.
Binuhos lahat ng nararamdaman
sa labinlimang minutong likha.

Ang tapang ko.
Binuksan ko ang sarili para makita ng buo ng lahat.
Kung gaano ako kahina.
Kung gaano ako kalungkot.
Kung gaano ako kasawi.

Ba't nga ba ito nagawa?
Simula pa lang ng klase, alam kong gagamitin ko,
ang kanyang kanta, ang aming istorya.
Alam na kaagad na aking iaalay
ang oras, ang pagod, ang oportunidad.  

Siguro kasi ang layo niya lang talaga ngayon.
Emosyonal at pisikal na layo.
3070 na kilometro. Ang hirap abutin.
Baka ito nga ang sagot. Eto na nga siguro.
'Di niya malalaman, 'di niya makikita, 'di niya mapapanood.
Nakakatawa. Wala man lang siyang kamalay-malay.