Ginawan ko siya ng pelikula.
At hindi ko alam kung tama ba.
Natanong ko sa'king sarili,
Bakit ang tapang ko?
Hinayaan ko lang malaman ng iba...
kung malalaman man nila.
Binuhos lahat ng nararamdaman
sa labinlimang minutong likha.
Ang tapang ko.
Binuksan ko ang sarili para makita ng buo ng lahat.
Kung gaano ako kahina.
Kung gaano ako kalungkot.
Kung gaano ako kasawi.
Ba't nga ba ito nagawa?
Simula pa lang ng klase, alam kong gagamitin ko,
ang kanyang kanta, ang aming istorya.
Alam na kaagad na aking iaalay
ang oras, ang pagod, ang oportunidad.
Siguro kasi ang layo niya lang talaga ngayon.
Emosyonal at pisikal na layo.
3070 na kilometro. Ang hirap abutin.
Baka ito nga ang sagot. Eto na nga siguro.
'Di niya malalaman, 'di niya makikita, 'di niya mapapanood.
Nakakatawa. Wala man lang siyang kamalay-malay.
Nakakatawa. Wala man lang siyang kamalay-malay.
0 response:
Post a Comment