BLOG FLASH:END
• Songs from plenty = too many feels :> •

Konnichiwa!
THIS BLOG IS
OPEN FOR EVERYBODY

Love

0



I suddenly remembered the feeling of falling in love with someone who doesn't like me back.
It was solitary, blissful, cruel and strange all at the same time.
Funny how everything can only be hidden but never gone.

Today

0



Oh man, I'm in big trouble.

I love you.

Kung Nandito Lang Sana

0



Dati ay aking tinatanong,
Bakit lagi kang wala tuwing ako'y malungkot?
Ngayon lang napagtanto na maaaring kabaligtaran pala ang sitwasyon.

Ang kalungkutan ay epekto
Ng iyong pagkawala.

Pagtapat ng Alas-Tres ng Madaling Araw

0




Nararamdaman mo ba?
Ang mga lubid ay unti-unti nang napuputol
At ang higpit ng kapit ay unti-unti nang lumuluwag

'Di na magtataka sa pagdating ng araw
Na atin nang masasambit
Ang mga salitang inaasam ngunit masakit:
Sa wakas, tayo'y bumitaw na rin

Dahil lahat ng bago'y naluluma, lahat ng kulay ay kumukupas
Lahat ng tao'y napapagod, lahat ng puso'y naaagnas

At sa araw na tayo'y ipagtatagpong muli,
tanging mga ngiti sa labi lamang ang makapagsasabing
Atin nang naipinta, atin nang naiayos
Atin nang nakamit ang pahingang nagpayapa sa sarili

Jan 1

0


The first of January--
I feel so alone.

Manibela

0



Nung isang araw, Biyernes, gabi.
Pauwi kami ng kaibigan ko galing sa isang Christmas Party.
Ihahatid ko na sana siya sa Sampa.
Kaso, sabi niya ayaw pa niya umuwi.
Ang ginawa namin, umikot-ikot kami sa acad oval.
Ako yung nagmamaneho ng sasakyan.
Mailaw ang paligid, malakas ang tugtog, mahaba ang usapan.
Nakakamiss yung pakiramdam.
Ang sarap kapag alam mong may kaya kang pagsabihan ng mga masasakit na bagay
tungkol sa buhay, tungkol sa pag-ibig.

Sayo

0



Ginawan ko siya ng pelikula.
At hindi ko alam kung tama ba.
Natanong ko sa'king sarili,
Bakit ang tapang ko?
Hinayaan ko lang malaman ng iba...
kung malalaman man nila.
Binuhos lahat ng nararamdaman
sa labinlimang minutong likha.

Ang tapang ko.
Binuksan ko ang sarili para makita ng buo ng lahat.
Kung gaano ako kahina.
Kung gaano ako kalungkot.
Kung gaano ako kasawi.

Ba't nga ba ito nagawa?
Simula pa lang ng klase, alam kong gagamitin ko,
ang kanyang kanta, ang aming istorya.
Alam na kaagad na aking iaalay
ang oras, ang pagod, ang oportunidad.  

Siguro kasi ang layo niya lang talaga ngayon.
Emosyonal at pisikal na layo.
3070 na kilometro. Ang hirap abutin.
Baka ito nga ang sagot. Eto na nga siguro.
'Di niya malalaman, 'di niya makikita, 'di niya mapapanood.
Nakakatawa. Wala man lang siyang kamalay-malay.